Sunday, September 7, 2008

Diyos nawa

Diyos nawa
(Taken from: God knows by Aya Hirano)

I
Ako'y tumatakbo
nauuhaw ang aking puso
Paumanhin,
wala akong magawa

II
Hindi mo man lang
Ako pinapayagan na
Makihati
sa iyong mga pighati

Refrain I
Ang mabuhay
ng walang bahid ng lumbay
Kaharap ko ang iyong likod
Ako ay paalis
Sa malungkot na riles

Chorus I
Ako ay susunod sa iyo at
Kahit na gaano
kahirap ang mundong ito alam ko
ikaw ay kikislap kahit sa madilim na sulok
Patungo sa kinabukasan
Ang aking kahinaan
Ay di hihila sa akin pababa
Ang ating landas ay iisa lamang
Sa'ting dalawa,
Diyos nawa

III
Ang pag-ibig
na sakin ay iyong hinatid
ay nagbago
sa aking paniniwala

IV
Di ko kailangan ng
Rason para ika'y makita
Pagsuyo ko lang na
Umaapaw para sa iyo

Refrain II
tayo'y gumuhit
ng isang magandang panaginip
at maghabulan pa
para sa iyong puso na malumbay

Chorus II
Tumigil ka sa iyong mga
pagsisinungaling at
pagusapan natin ang ating kinabukasan
Ako ay handa kahit na
ang bukas nati'y mabalakid
kaya natin na labanan ang ating tadhana
pag ako ay lumakas
para matupad ang ating hiling,
ang lahat ay
Diyos nawa

Bridge
Ikaw ay nandito
Ako ay nandito
at ang paligid ay walang katao-tao
At habang atin na
pinipinta ang marikit na panaginip
Guhit din ang mga pantal

Chorus III
Dahil doon
Ako ay susunod sa iyo at
Kahit na gaano
kahirap ang mundong ito alam ko
ikaw ay kikislap kahit sa madilim na sulok
Patungo sa kinabukasan
Ang aking kahinaan
Ay di hihila sa akin pababa
Ang ating landas ay iisa lamang
Sa'ting dalawa,
Diyos nawa

No comments:

 
Real Time Web Analytics